Monday, June 1, 2009

bente

ngayon ako ay bente na. nakakalungkot dahil tapos na ang maliligayang araw ko bilang isang teenager. ang sarap pa naman maging teenager, minsan pakiramdam mo pag-aari mo ang mundo. at walang masyadong magagalit sayo, kasi likas sayo ang pagrerebelde. pagrerebolusyon.

saktong panahon din para makaboto na. nung huling eleksyon kase, dise-syete lang ako. atat na atat pa naman ako nung bumoto kaya nag-serve na lang ako sa eleksyon, kahit ilegal (marami daw gumagawa nang ganon). pero ngayong legal na legal na, tinatamad naman akong magpa-rehistro. ewan ko ba. basta hindi pa deadline at hindi pa ‘ko tinatamad at nawawalan nang dahilan para maghalal ng pulitiko.

isip bata pa rin ako. mahilig pa rin sa cartoons at anime’s. sa Sesame Street:). medyo iresponsable pa rin. sa bahay, sa sarili, minsan kahit sa trabaho. buti na lang tapos na ‘kong mag-aral. kaso ang problema ko naman ngayon e kung pa’no ko haharapin ang challenge ng natapos kong kurso. pa’no ko haharap sa ospital? sa mga pasyente? pa’no ko makakapagsimula galing sa wala?

mas nagiging realistic na rin ako. sa tingin ko, sinuko ko na yung isa sa mga pinakamatayog kong pangarap: ang maging isang broadcast journalist. ni hindi ko sigurado kung pagiging praktikal ang tawag mo dun sa pagsukong ginawa ko. mahal ko pa rin ang trabaho nina vicky morales at kara david, hindi ko lang alam kung hanggang saan at hanggang kailan ko pa sila kayang sunggaban. masaya pa naman sana yun:’(

ang pag-ibig, nakakapaghintay yan. haha.

tumanda na, in short. umuunti na ang pangarap sa buhay hanggang sa iisa na lang ang maging target. tapos dun na ibubuhos lahat.

Friday, May 29, 2009

pakiusap

please.
pakiingatan lang po.
please.




importante.

insekta

nilalangaw na.

ang lahat sa 'ken, nilalangaw na. ang utak ko, kamay, buhok. buti na lang may natitira pang mata. at mga paa.

wala na 'kong pag-asa. ganto na 'ko: isang tipak ng tae. 

kung kelan naman magbe-bente anyos na. saka pa.

Tuesday, April 21, 2009

labing-limang latak ng utak.

1. hindi mo pala dapat pinipilit makalimot. kung nakakaalala ka pa rin kahit ayaw mo na, hayaan mo lang. lilipas rin yan. darating ang panahon na hindi mo namamalayan, wala ka na palang iniisip. wala ka nang problema.  

2. hindi mo pala dapat talaga pini-please ang lahat ng tao. matuto ka rin magalit at kumontra. hindi habambuhay bata ka na tanggap lang nang tanggap sa mga sinasabi nila. subukan mong iparamdam sa kanila na hindi lang sila ang tao sa mundo.  at kung hindi mo na sila matagalan, wag mo silang pansinin. wag mong pakinggan. wag mong kausapin. 

3. mahirap pala talaga kumita ng pera. pero lintik, mas mahirap mag-ipon. kahit anung pilit mo hindi mo pa rin maiwasang gumastos. hindi naman pwedeng hindi ka mamasahe. lalong hindi pwedeng hindi ka kumain at magbayad ng kuryente.

4.  pakawalan mo na yung taong hindi pumapansin sayo, lalo na yung hindi nakaramdam ng pagpapapansin mo. kahit obvious na obvious na. tamaan na ng kidlat ang hindi makakita. lahat ng kaibigan mo alam na, sya na lang ang hinde. 'nak ng tinapang buhay 'to o. 

5. ang hindi para sayo, hindi magiging sayo kahit ano pang gawin mo. at hindi lang 'to applicable sa pag-ibig ha.

6. wag kang mainip. darating ka rin sa puntong hindi ka na makahinga sa sobrang saya. 

7. wag laging kontrahin ang papuri ng iba. hindi yata lahat ng tao kapuri-puri, tapos sinwerte ka. saka mo lang kontrahin pag alam mong hindi na totoo at drawing lang ang lahat. 

8. wag kang laging naniniwala sa sinasabi ng iba. timbangin ang tiwala sa tao. hindi lahat may iniingatang kredibilidad gaya ng mga reporter. palampasin ang awa kung kailangan; ang hirap kaya nung pakiramdam na nagbigay ka nang buong puso tapos akala mo nakatulong ka, yun pala nagpauto ka lang at naabuso ang kabaitan mo.

9. ang mga plano sa buhay sadyang nauudlot. flexible ang schedule ni Lord. kaya wag kang mag-inarte.

10. hindi lang ikaw ang taong malungkot, panget, walang pera, maraming insecurities sa buhay at walang [ahem...] lovelife. kaya wag kang mag-drama at bumanat ng "life is unfair." kailangan mo lang iwasang ikumpara ang sarili mo sa mga taong sa kung anumang dahilan eh pakiramdam mong mas nakakataas sayo.

11. parang nabasa ko kung saan: wag mong piliting pantayan ang taong hinahangaan mo. wag mong hayaang dumating sa punto na mauubusan ka ng dahilan para bumilib sa kanya. sino na lang ang magdaragdag sa mga dahilan mo para mabuhay? ang hirap yata ng walang tinitingala, at walang hinahangad maaabot sa buhay. ano? hanggang dyan ka na lang?

12. ayos lang maging tamad. ayos rin lang maging masipag. basta dapat balanse. 

13. wag mong hintaying tumanda ka bago mo maisip na gusto mo na ng pagbabago sa buhay mo. matagal na proseso ang pagbabago. wala pang playback. lugi ka.

14. madaling manghusga. mahirap ang hindi manghusga. 

15. hindi Diyos o anito si bob ong, kaya wag mo syang sambahin. 

Sunday, April 12, 2009

kay pao, RN

alam mo, pao, pambihira ka rin, no? wala na nga akong maisulat dito, nagtyatyaga ka pa ring magbasa. tagung-tago na nga ako, alam mo pa rin kung san ako hahanapin. madaya ka lang dahil ikaw ang unang nakakita sa 'ken, dahil kung ako ang naunang nakakita sayo, ikaw ang idol, hindi ako.

akala ko lahat ng lalake salot sa mundo. hahaha. hindi pala.

sayang. hindi tayo naging magkaklase nung college kahit minsan. ang daya.

gusto kong makapunta ng gig mo. invite mo naman ako. kahit once lang. kahit saan. kahit may bayad. sabihin mo lang kung kelan para makapag-absent ako nang legal. isasama ko si migs.

tapos balang araw, magkita-kita tayo sa isang ospital. as competent nurses. haha :)

sobrang salamat, pao. 
hindi ko deserve ang faith mo, pero nakakapit ka pa rin. 

andami ko nang utang sayo.
pano ba kita mababayaran?

Thursday, March 26, 2009

kiss me or i'll sleep forever

suddenly i have turned into an evil witch who wants to destroy a happy ending.

the mr. pogi smile
the low-tone voice
the friendliest approach
the atmosphere
the wet hair

they're all to blame. they should break up soon. so, you know, i can take over.  him and me, we'll make a good match.

i never thought i'd like him this much.

Saturday, March 21, 2009

si aldus

hindi na 'ko marunong magsulat. nakakainis. lalo na pag english, hindi ko na kaya makatapos ng isang buong disenteng article. gaya nung sa final set ng eheads. binalak kong gawan ng engradeng article yun eh. tipong pang-mag o kaya dyaryo. kaso, nakaka-isang paragraph pa lang ako, nakita ko na 'to:


shet ang galing, sabi ko. kaya hindi ko na tinuloy.

kung kaya ko lang sana magsulat ng ganyan. kaso hinde. kaya, aldus santos, bow ako sayo. kahit naman yung articles mo sa burn eh, pamatay na. hindi na dapat ako nagulat.

jay taruc saves the day